Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong namatay sa nangyaring magkasunid na pagbobomba sa labas ng Kabul airport sa Afghanistan, nitong Huwebes.

Ito ay batay sa nakuhang paunang impormasyon ng DFA mula kay Philippine Ambassador to Pakistan Daniel Espiritu. 

Tinarget umano ng suicide bombers ang gates ng airport na nagresulta ng pagkamatay agad ng 12 US marines at ilang sibilyang Afghan.

Inako naman ng Islamic State Khorasan Province (ISIS-K) ang nangyaring pag-atake.

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Sinabi ng DFA, ipinaiiral pa rin nila ang Level 4 na alert status sa Afganistan kaya patuloy na ipinatutupad ang mandatory repatriation sa mga Pinoy sa lugar matapos na mangibabaw ang puwersa ng Taliban sa naturang bansa.

Aaabot pa sa 24 na Pinoy ang naipit sa lumalalang sitwasyon sa nabanggit na bansa kaya puspusan ang trabaho ng Philippine government upang maiuwi na ang mga ito.

Idinagdag pa ng DFA na nasa kabuuang 185 na Pinoy ang nailikas na mula sa naturang lugar

Bella Gamotea