Maglalaro na lamang sa 4 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang alokasyong ilalaan ng pamahalaan sa National Capital Region pagdating ng 4th quarter.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil makukuha na ng Metro Manila ang 50 porsiyentong target na population na dapat maturukan ng bakuna.
Sa katunayan ayon kay Roque, hindi na bubuhusan gaano ang Kalakhang Maynila ng bakuna sa susunod na buwan.
"Sa Setyembre ay nasa mahigit kumulang 1 milyon na lang ang makukuha ng mga taga Metro Manila," ayon kay Roque.
Ang bulto ng bakuna sabi ni Roque ay ibubuhos na Region 4-A na aabot sa 20 million habang ang Region 3 ay paglalaanan ng halos17 milyong doses ng bakuna.
Beth Camia