Kinasuhan ang 14 na travelers dahil sa pekeng dokumento habang 377 naman ang hindi pinapasok at pinabalik sa kanilang pinanggalingan dahil sa hindi kumpletong requirements na ipinatutupad ng siyudad.

Dobleng paghihigpit ang ipinapatupad ngayon sa mga border quarantine checkpoint papasok ng Baguio City, upang maiwasan pagpasok pa ng COVID-19 Delta variant. 

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, siyam na quarantine checkpoints ang itinalaga sa bawat entry at exit points. Bukod sa mga nahuling travelers, tatlong colorum vehicles din ang nahuli.

“Kailangan nating maghigpit sa ating mga border, lalong-lalo na yung manggaling sa Luzon, dahil ayaw nating maranasan ang nangyayari sa ibang lugar at panawagan ko residente na makipagtulungan at i-report ang entry na hindi dumadaan sa ating triage,” pahayag ni Magalong.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Magalong, ang mga nahuling nameke ng dokumento, gaya ng RT-CPR test result ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11332 or “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”

Zaldy Comanda