Kinabiliban ng netizens ang ginawang indoor koi pond ni Aven Benjamin Talpis III mula sa Zamboanga del Sur, na bunga ng kaniyang pagkainip dahil sa lockdown.

Makikita sa mismong Facebook post ni Aven ang kahanga-hangang indoor koi pond na halos sumakot sa buong sahig ng bahay. Kakaibang karanasan ito para sa kanilang lahat!

"So, yeah, household chores turned into doing this project: LANDSCAPING AND AQUASCAPING

Thanks to Kuya Doc Vingo and Ate Gaw Karlyn. You really believed in me. Huhuh you even let me design your garden and indoor koi pond of your new house. damn! I still can't believe it," saad sa caption.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ayon kay Aven, kinuha lamang niya sa kanilang bakuran ang drift woods, bato, at pebbles na ginamit niya bilang disenyo sa indoor koi pond na kaniyang ginawa. Dinagdagan pa niya ito ng kaunting lighting upang mas lumitaw pa ang ganda. Tuwang-tuwa naman ang kaniyang mga pinsan sa kinalabasan ng kaniyang obra maestra.

May be an image of indoor
Larawan mula sa FB/Aven Benjamin Talpis III

May be an image of indoor
Larawan mula sa FB/Aven Benjamin Talpis III

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Aven Benjamin Talpis III

May be an image of indoor
Larawan mula sa FB/Aven Benjamin Talpis III

May be an image of outdoors
Larawan mula sa FB/Aven Benjamin Talpis III

May be an image of body of water and indoor
Larawan mula sa FB/Aven Benjamin Talpis III

May be an image of 1 person, standing, indoor and body of water
Larawan mula sa FB/Aven Benjamin Talpis III

May mga tumatawag na umano sa kaniya upang magpagawa rin ng indoor koi pond.