Mag-aaccredit ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng walo pang kompanya ng e-sabong para sa pagsasagawa ng online cockfight, dahil nakapag-aambag ang revenue nito sa state coffers.
Ayon kay Andrea D. Domingo, PAGCOR chairman and chief executive officer, naging dahilan ang pandemya upang magkaroon ng major disruptions sa Philippine offshore gaming operation (POGO), na nagtulak sa mga online casino operators at service providers na tuluyang magsara.
"Revenue from POGO remains okay, I think we should be able to generate about ₱5 billion this year, but e-sabong is doing better,” saad ni Domingo sa isang virtual forum na hinost ng Kamuning Bakery Cafe nitong Huwebes, Agosto. 26.
Simula umano nang magsimula ang e-sabong nitong Mayo 2021, lumobo ang kita ng PAGCOR mula ₱3 billion at naging ₱3.5 billion.
“We’re able to generate about ₱350 million to ₱400 million a month [from e-sabong],” dagdag pa ng PAGCOR chief.
Chino S. Leyco