Maglulunsad ng libreng online legal assistance at information desk ang grupo ng mga abogado, bilang pagsuporta kay Bise Presidente Leni Robredo sa posibleng pagtakbo nito sa pagkapangulo sa 2022.
Ilulunsad ng grupo ang “Lawyers for Leni” sa darating na Biyernes, Agosto 27.
“As lawyers, we have seen how respect for the rule of law has deteriorated in the past five years. A lot of times, the law was used to serve personal interests of a few instead of being an instrument to bring social justice,”ani lawyer Ram Ramon, tagapagsalita ng grupo.
Ang Lawyers for Leni ay kabilang sa pinakabagong grupo na mag-aayos upang himukin si Robredo na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022.
Kabilang sa mga ito ay sina dating Supreme Court spokesperson Ted Te; Mel Sta. Maria, Dean ng Far Eastern University Institute of Law, at ang kanyang asawa na si Ampy Sata. Maria ang mabibigay ng mensahe ng pagsuporta kay Robredo.
“As of today, we have almost 300 signatures from lawyers who support Leni Robredo,” ani Ramos.
Raymond Antonio