Ginanap sa Naidi Hills, Basco, Batanes ang inauguration ng kauna-unahang typhoon-proof Magnus Vertical Axis Wind Turbine sa Pilipinas.

Photo: PLGU Batanes

Nabatid sa ulat ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes, na ang proyektong ito ay pinondohan ng kumpanyang Challenergy Inc., isang Japan-based renewable energy company.

Ang proyektong ito ay ipinatupad ng Challenergy Inc. Philippines katuwang ang Batanes Electric Cooperative Inc. (BATANELCO), Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes at ang LGU Basco, Batanes.

Probinsya

Kawatang tumalon sa second floor, timbog matapos bumagsak sa harap ng brgy. tanod

Photo: PLGU Batanes

Ang 10kw Magnus Vertical Axis Wind Turbine ay idinisenyo ng Challenergy Inc. upang makayanan ang malakas na hangin at malakas na bagyo o anumang kalamidad. Kumbinasyon ito ng "vertical axis" na nagbibigay-daan upang tumugma sa omni directional wind, at magnus effect.

Photo: PLGU Batanes

Tinitiyak din na ang proyektong ito ay makatutulong sa tuloy-tuloy na pagkamit ng sustainable energy sa lalawigan.

Saksi si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, at mga Challenergy officials ng Japan sa pamamagitan ng Online Teleconference.

Liezle Basa Inigo