Hinatulan ng dobleng life imprisonment ang dating pulis na si Jonel Nuezca nitong Huwebes, Agosto 26, kaugnay sa pagpatay nito sa mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac, noong Disyembre 20, 2020.

“Nuezca was found guilty beyond reasonable doubt for the crime of two counts of murder,” pahayag ni Police Brig. Gen. Val de Leon, hepe ng Police Regional Office 3.

Pinagbatayan ni de Leon ang desisyong inilabas ni Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Judge Stella Marie Gandia-Asuncion ng Branch 106.

Makukulong ng 40 taon sa bawat bilang ng kasong pagpatay si Nuezca at pinagbabayad ito ng P476,280 bilang pinsala sa pamilya ni Sonia Gregorio at ganoon din sa pamilya ng kanyang anak na si Frank Gregorio na umabot sa kabuuang P952,560.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

“This development on the case of former Police Staff Sergeant Nuezca goes to show of equal justice to everyone and that the PNP does not condone any infraction or wrongdoing committed by any of its members. Any individual regardless of status must face the crimes they have committed; there is no exemption in enforcing the law,” ani de Leon.

Matatandaang tinanggal sa serbisyo si Nuezca matapos ang mangyari ang insidente sa Brgy. Cabayaosan, Paniqui na kung saan nagviral ang video ng ginawa niyang pagpatay sa mag-ina.

Aaron Recuenco & Nicole Therise Marcelo