Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na lahat ng rehiyon sa bansa, maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nakapagtala na ng kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng Epidemiology Bureau ng DOH, sa isang pulong balitaan nitong Huwebes.

Gayunman, nilinaw ni De Guzman, na ito’y maaaring dahil kakaunti lamang ang samples na nakukuha mula sa naturang rehiyon.

Matatandaang unang sinabi ng DOH na ang BARMM ay kabilang sa mga rehiyon na nagkakaroon umano ng problema sa pagpapadala ng mga samples para sa genome sequencing dahil sa transportation concerns.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Sa ngayon, BARMM na lamang po ang hindi na natin na-detect-an ng local Delta case. ‘Yun ay maaaring dahil sa kaunting samples na nakukuha natin from that region,” aniya pa.

Samantala, sinabi naman ni De Guzman na halos ang lahat ng rehiyon at lahat ng lungsod sa Metro Manila ay mayroon na ring Alpha o Beta variant ng COVID-19 habang maging ang P.3 variant, na unang natukoy sa Pilipinas, ay natukoy na rin sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Mary Ann Santiago