Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may 75 lugar na sa bansa ang nasa ilalim na ng Alert Level 4 sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng Epidemiology Bureau ng DOH, ang isang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 4, kung ang mga ito ay klasipikado bilang moderate-risk to critical-risk at ang healthcare utilization rate ay mas mataas pa sa 70%.

Aniya, sa ngayon kabilang sa mga lugar na nasa Alert Level 4 na ay ang Malabon, Navotas, Pateros, Marikina, Taguig, Quezon City, Makati, San Juan, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Pasay, Pasig, at Valenzuela sa National Capital Region (NCR); Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Gayundin ang Dagupan City at La Union sa Region 1; Cagayan, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Angeles City, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, at Zambales sa Region 3; at Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City, at Rizal sa Region 4A.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Nasa Alert Level 4 na rin ang Marinduque at Occidental Mindoro sa Region 4B; Camarines Sur, Masbate, Naga City, at Sorsogon sa Region 5; Antique, Guimaras, Iloilo, at Iloilo City saRegion 6; Bohol, Cebu, Cebu City, at Lapu-Lapu City sa Region 7; Ormoc City sa Region 8; Zamboanga Del Sur sa Region 9; Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, lligan City, Lanao Del Norte, at Misamis Oriental sa Region 10; Davao City sa Region 11; Cotabato (North Cotabato), General Santos City, Sarangani, at South Cotabato sa Region 12; Agusan Del Norte, Agusan del Sur, Butuan City, Surigao Del Norte, at Surigao Del Sur sa Caraga at Cotabato City, Lanao del Sur sa BARMM.

Samantala, nasa ilalim naman ng Alert Level 3 ang Caloocan, Mandaluyong, at Manila sa NCR; Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Pangasinan sa Region 1; Batanes sa Region 2; Aurora sa Region 3; Oriental Mindoro, Palawan, at Romblon sa Region 4B; at ang Camarines Norte at Catanduanes sa Region 5.

Nasa Alert Level 3 rin ang Aklan, Bacolod City, Capiz, at Negros Occidental sa Region 6; Mandaue City at Negros Oriental sa Region 7; Biliran, Leyte, Northern Samar, Samar (Western Samar), at Southern Leyte sa Region 8 at Zamboanga City at Zamboanga Sibugay sa Region 9.

Gayundin, ang Misamis Occidental sa Region 10; Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Occidental, at Davao Oriental sa Region 11; Sultan Kudarat sa Region 12 at Maguindanao sa BARMM.

May iilang lugar naman na nasa ilalim pa lamang ng Alert Level 2, kabilang dito ang Abra sa CAR; Puerto Princesa sa Region 4B; Albay sa Region 5; Siquijor sa Region 7; Eastern Samar at Tacloban City sa Region 8; City of Isabela at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao De Oro sa Region 11; Dinagat Islands sa Caraga at Basilan, Sulu, at Tawi-tawi sa BARMM.

Mary Ann Santiago