Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umaabot na ngayon sa mahigit 9.1 milyon ang bilang ng mga enrollees na nagpatala para sa School Year 2021-2022.

Batay sa huling datos ng enrollment na inilabas ng DepEd nitong Huwebes, nabatid na hanggang alas-2:00 ng araw ng Agosto 26, ay umabot na sa kabuuang bilang na 9,197,265 ang mga nakapagpatalang mag-aaral na papasok sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa naturang bilang, 4,385,985 na mag-aaral ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan; 247,874 sa mga pribadong paaralan; at 6,079 naman sa mga state universities and colleges(SUCs)/ local universities and colleges (LUCs).

Samantala, nasa 4,557,327 naman ang nagpa-enroll sa idinaos na early registration ng DepEd noong Abril hanggang Mayo, 2021.

ARTA, iraratsada website para sa reklamo sa mga ahensya ng gobyerno

Anang DepEd, pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region 4-A (1,549, 432), na sinusundan ng Region 3 (887,417), at NCR (874,035).

Mary Ann Santiago