Aatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkandidato sa pagka-bise presidente kung tatakbo sa pagka-pangulo ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa idaraos na 2022 National elections.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Agosto 25, klinarona ng Pangulo ang plano nito sa politika para sa susunod na taon.

Gayunman, nilinaw ni Roque na ang nabanggit na bahagi ng public address ng Pangulo nitong Martes ng gabi ay na-edit o pinutol na.

"If I were to quote him: ‘Should Sara decide to run, Bong Go is out. For my part, dahil sa delicadeza, hindi pwede dalawa kami diyan. If she runs, out na rin ako,'” sabi nito Roque na ang tinutukoy ay ang sinabi ng Pangulo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"'Yung pinakita po sa ‘Talk to the People’, 'yun po 'yung tinanong siya kung hindi po tatakbo si Mayor Sara ay tatakbo siya,” anito.

Sa isang text message ni Roque, nagtataka rin siya kung bakit pinutol ang nasabing pahayag ng Pangulo sa pre-recorded pubic address nito.

Nauna nang kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang hindi naisahimpapawidna sinabi ni Duterte.

Si Nograles ang tumatayongexecutive vice president ng PDP-Laban.

“Yes, he said that if Mayor Sara runs then he is considering not running for Vice President. I don'tknow what the exact words were said… But I do recall na sinabi niya na pag Duterte-Duterte, he said na hindi siya convinced na dapat mangyari,” dugtong pa ni Nograles.

Nitong Martes ng gabi, kinumpirma ni Duterte na kakandidato siya sa pagka-bise presidente upang ipagpatuloy ang kampanya nito sa laban sa iligal na droga, komunista at kriminalidad.

Argyll Geducos