Travel goals ba kamo? We got a list for you!
Habang hinihintay ang mas maluwag na mga pakataran sa paglabas ng bansa, kialalanin natin ang ilan sa mga idineklarang “safest cities in the world” ngayong 2021.
Kung ang nasa isip niyo’y Tokyo o Singapore, pwes hindi naman nawala ang mga lungsod na ito sa listahan, ngunit wala sa dalawa ang nakasungkit sa number spot!
Guess who clinched it this year?
Sa ulat ngEconomist Intelligence Unit (EUI), Copenhagen, Demark ang nanguna sa listahan at itinanghal na pinakaligtas na lungsod sa mundo ngayong taon.Sinundan ito ng Toronto sa Canada sa second spot, Singapore bilang third.
Mula top spot noong 2019, naging pang-apat na lang sa listahan ang Tokyo sa Japan.
Base sa naging resulta ngayong taon, parehong mga bansa sa Europa at Asya pa rin ang nanguna sa listahan.
Top 10 safest cities in the world for 2021
1. Copenhagen
2. Toronto
3. Singapore
4. Sydney
5. Tokyo
6. Amsterdam
7. Wellington
8. Hong Kong
9. Melbourne
10. Stockholm
Pero saan nagkulang ang Tokyo at Singapore ngayong taon?
Sa 76 indicators na sumukat sa kaligtasan 60 major cities sa mundo, isang bagong kategorya ang naisama – ang environment security. Binago ang pamantayan ngSafe Cities Index 2021para bigyang diin ang sustainability issues at climate adaptation kung kaya’t nakaapaektoito sapuwesto ng Singapore at Tokyo ngayong taon.
Ayon pa sa inilabas na ulat, parehong mataas ang naging kalidad ng environment security sa Copenhagen at Toronto kumpara sa ilang best-performing cities pagdating sa digital, health, at infrastructure securities.
Kung muling magbubukas ang mga bansang ito para sa mga banyagang turista, anong syudad ang una mong pupuntahan?