Nalambat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 31 na mangingisda dahil sa illegal fishing activities sa bahagi ng karagatan ng Cavite, kamakailan.

Sa ulat,hindi na nakapalag ng mga mangingisda nang maaktuhan sila ngmga tauhan ng PCG na gumagamit ng lambat sa Barangay Bucana, Naic, nitong Lunes.

Kaagad na ring hinila ang mga motorized banca patungong impounding area ng PCG Station at inihahanda na ang kasong paglabag sa Municipal Ordinance No. 1 dahil na rin sa iligal na pangingisda.

Richa Noriega

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!