Bilang bahagi ng pagunita sa Buwan ng Wika at ngayong Agosto at bago pa man natin muling malibot ang Pilipinas, alamin ang ilang salita na maaaring malaking kahihiyaankung babanggitin sa wikang Filipino ngunit araw-araw kung gamitin sa ilang rehiyon sa bansa.
burat
-salitang Bikolano na ang ibig-sabihin ay lasing
libog
-salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay naguguluhan;
-hindi malinaw naman’ ang kahulugan nito sa Bikolano
oragon
-salitang Bikolano na katumbas ng malakas o/at matapang
tete
-salitang Kapampangan na tumutukoy sa tulay;
-sa Bisaya, ang ‘titi’ ay nangangahulugang ‘wag makialam;
-sa Ilocano, tumutukoy ito sa dibdib ng mga babae
pota
-salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay mamaya
bale
-salitang Kapampangan na tumutukoy sa bahay
daga
-salitang Bikolano na tumutukoy sa lupa
sira
-salitang Bikolano na tumutukoy sa isda
bombay
-salitang Bisaya na tumutukoy sa sibuyas
dukot
-salitang Waray na ang ibig sabihin ay lumapit;
-salitang Bisaya rin ito na tumutukoy sa kaning tutong
bati
-salitang Bisaya na ang kahulugan ay panget
utong
-salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay 'hold your breath'
buto
-salitang Bisaya na tumutukoy sa ari ng babae;
-sa Waray, ginagamit din itong salita para naman sa ari ng lalaki
bareta
-salitang Bikolano natumutukoy sa balita
libang
-salitang Bisaya na tumutukoy sa dumi ng tao
Binubuo ang Pilipinas ng libu-libong isla. Ang pagkakahiwalay ng mga rehiyon ay nagbunga ng mayamang kultura, paniniwala at maging ng sariling wika o sa lugar. Sa katunayan, mayroong 183 wika ang ginagamit sa Pilipinas.