Hindi na raw ikinagulat ng opposition coalition na 1Sambayan ang anunsyong tatakbo bilang bise-presidente si Pangulong Duterte sa Halalan 2022.

Pahayag ng coalition, takot umanong managot sa International Criminal Court (ICC) at sa sariling justice system ang Pangulo.

“The candidacy is both legally and morally wrong, and we trust that the Filipino people will realize his brazen, selfish and self-serving motives,”pahayag ng 1Sambayan.

Pinangungunahan nina retired Supreme Court associate Antonio Carpio, retired Ombudsman Conchita Carpio-Morales, at dating Foreign Affairs chief Albert del Rosario ang koalisyon, kilalang mga kritiko ng Pangulo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“No surprise” kung ilarawan ng koalisyon ang anunsyo ng pagtanggap ng Pangulo sa nominasyon nito sa PDP-Laban bilang bise-presidente.

“Sadly, today’s declaration comes at the heels of numerous allegations of corruption and continuing EJK, even as we mourn the death of 30,000 Filipinos due to a failed COVID-19 response,”pagpupunto ng grupo.

Kasabay ng anunsyo, mas determinado ang samahan sa pagbuo ng agkakaisang panig para tugunan ang pangangailan na makapagprisenta ng alternatibong kandidatura.

Raymund Antonio