Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ngayong Martes, Agosto 24.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, epektibo kaninang 6:00 ng umaga ng ang kanilang bawas-presyo na ₱0.90 sa kada litro ng kerosene, ₱0.80 sa presyo ng gasolina at ₱0.75 naman sa presyo ng diesel.

Hindi nagpahuli ang Caltex at Seaoil na magpapatupad ng kaparehong bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo.

May katulad din na tapyas-presyo sa gasolina at diesel ang mga kumpanyang Cleanfuel at Petro Gazz.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Asahan ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa naturang oil price rollback kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Idinahilan ng mga kumpanya ng langis, resulta lamang ito ng mababang presyuhan ng langis sa world market.

Ito na ang ikatlong linggo na ini-rollback ang presyo ng petrolyo ngayong Agosto.

Bella Gamotea