Pansamantalang hindi tatanggap ng pasyente ang emergency room ang Philippine General Hospital (PGH) matapos ang naitalang “record-high” coronavirus disease (COVID-19) admissions.

Ito ang anunsyo ng PGH ngayong Martes, Agosto 24, na kasalukuyang mayroong 300 COVID-19 patients.

Sa isang advisory, sinabi ng PGH na kinakailangan nito ang intensive care, high-flow oxygen at ventilators para sa kalakhan ng kanilang mga pasyente.

Sa isang panayam sa One News, para kay Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, mas malala na raw ang sitwasyon ngayon kumpara sa unang bugso ng pandemya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isa sa mga kinakaharap na limitasyon ng ospital ang kakulangan sa health workers.

“Even if we open more beds or try to open more wards, we’re limited to the number of healthcare workers who can take care of these patients,”sabi ni Del Rosario.

Gabriela Baron