Aprubado sa Kamara nitong Lunes, Agosto 23, sa huling pagbasa sa panukalang batas na magbibigay ng P10 milyon pabuya sa sinumang magtuturo o magbibigayng impormasyon sa mga tax cheaters.

House of Representatives plenary

Natanggap ng 212 ‘yes’ ang House Bill 9306 sa lahat ng mga mambabatas na dumalo sa regular session noong Lunes.

National

VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ

Layon ng HB 9306 na magbigay ng pabuya sa mga makakapaglahad ng impormasyon sa sinumang lalabag sa National Internal Revenue Code at Bureau of Customs Law.

Ang panukalang batas na inihain ni Magdalo Partylist Rep. Manuel D. Cabochan, ay nakatanggap ng endorsement of approval mula sa House Committee on Ways and Means na pinangungunahan ni Albay Rep. Joey Sarte-Salceda bilang chairman.

Samantala, hindi kwalipikado sa panukalang batas ang sinumang public officials, kawani ng gobyerno at kamag-anak hanggang third degree of consanguinity.

Ayon kay Cabochan, matatanggap ang pabuya ng impormante matapos makamkam ng gobyerno ang buwis at naisumite na ang lahat ng kinakailangang dokumento sa Department of Finance (DOF).

Nakasaad sa panukalang batas na poprotektahan ng BIR, BOC at DOF ang pagkakakilanlan ng informant.

Multang aabot sa P500,000 hanggang P1 milyon at pagkakulong na hindi bababa sa sampung taon ngunit hindi tatagal ng 15 taon ang maghihintay na parusa sa sinumang lalabag sa panukalang batas.

Ben Rosario