Pinabulaanan niPresidential Spokesperson Harry Roqueang paratang ng Makabayan Bloc na tumanggap ng iligal na fund transfer ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

“May sinasabi ang Makabayan bloc laban sa DILG dito sa pondo ng (NTF-) ELCAC ay nagkaroon daw ng fund transfer at sinabi nila na ito raw ay ‘highly irregular’. Wala pong irregular doon,” sabi ni Roque sa isang press briefing nitong Martes, Agosto 24.

“Ang nangyari naman po dito sang-ayon kay [DILG] Secretary [Eduardo] Año is that wala pong fund transfer, ito po ay downloading of funds from the DILG central office to their regional office at ito daw po ay authorized under the General Appropriations Act (GAA) of 2020,” pagpapaliwanag ni Roque.

“So wala pong ganyang report ang COA (Commission on Audit), Makabayan bloc lang po,” dagdag ng tagapagsalita ng Palasyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinasubalian din ni Roque ang paratang na prone to abuse ang pondo ng NTF-ELCAC.

Giit ng Makabayan, P2.9 milyon umano ang iligal na nailipat sa anti-communist task force.

Tanging Makabayan lang ang tinig ng oposisyon sa Kongreso. Matatandaang ilang beses na nilang kinundena ang NTF-ELCAC, na tinuturing silang terorista dahil umano sa kanilang ugnayan sa CPP-NPA.

Ellson Quismorio