Nagtungo na ang mga PBA teams nitong Lunes, Agosto 23  sa Pampanga at nakatakdang para sa pagsisimula ng kanilag ensayo ng PBA Season 46 Philippine Cup.

"While still awaiting for the formal approval of play resumption, the PBA teams will already start practicing Tuesday," pahayag ni  PBA commissioner Willie Marcia

Maaari aniyang mag-ensayo ang mga manlalaro sa tatlong venue na kinabibilangan ng Angeles University Foundation - Angeles City, Beverly Place gym sa Mexico at Colegio de Sebastian sa San Fernando.

Aniya, sabik na ang mga basketball fans sa pagpapatuloy ng aksyon sa liga mula nang mahinto ito noong Agiosto 4 pagkatapos ng  double-header  noong Agosto 1 sa Ynares Sports Arena sa Pasig kung saan nagwagi ang TNT Tropang Giga at Rain or Shine kontra Phoenix Super LPG at Terrafirma Dyip ayon sa pagkakasunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"I would have to say excited would be an understatement right now in regards to us getting our season resumed," pahayag ni Rain or Shine coach Chris Gavina.

"We're looking forward to continuing our craft and providing a little bit of relief and respite to others," ayon naman kay TNT mentor Chot Reyes.

Marivic Awitan