Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang regular na cycle ng buwanang loads para sa mga guro at kawani nito, matapos ang matagumpay na pagbabahagi ng sim cards sa field offices.

Ayon sa DepEd, para sa mga 277,381 na nakatanggap ng DepEd sim cards na nasimulan nang gamitin ang connectivity loads noong Hulyo 2021, ang cycle ng regular na buwanang load ay nagsimula noong Agosto 3, samantala ang ibang mga benepisyaryo ng programa ay matatanggap ang kanilang buwanang load simula bukas, Miyerkules, Agosto 25.

“This is part of our commitment to deliver the promises of the Bayanihan 2 Act to our personnel. Given the situation, we recognize the need to provide connectivity load for our teachers as support for their passion in teaching amidst the pandemic,” ani Education Secretary Leonor Briones.

Sinabi ng DepEd na sa kabuuan, ang bawat guro o kawani ay makakatanggap ng kabuuang 102GB ng data na ipamamahagi sa loob ng tatlong-buwan o 34GB bawat buwan.

National

FPRRD sa mga Pinoy: ‘Punta kayo kay Marcos lahat, tingnan natin anong mangyari!’

Dagdag ng DepEd, upang masiguro na sulit ang paggamit ng load, ang Sim Card Connectivity Load na programa ay dinisenyo na magkaroon ng 1GB bawat araw para sa Daily Data Access para sa eLearning Apps at zero-rated DepEd Apps. Mayroon din umanong karagdagan na 4GB bawat buwan ang para sa Open Data Access para sa ibang apps.

Hindi anila ibibigay ang load sa parehong araw lamang, at sa halip ay ire-refresh araw-araw upang masiguro na bawat kawani ay masusulit ang data para sa buong buwan.

“Analytics consumption data show that 1GB per day for 30 days is more than enough to access eLearning apps,” ayon kay DepEd Undersecretary Alain Del B. Pascua.

Samantala, ang mga data naman na hindi nagamit mula sa plan ay iro-roll over makaraan ang ikatlong buwan at ilo-load bilang 1GB bawat araw hanggang sa lahat ng alokasyon ng data ay magamit. Ang hindi nagamit na data ay kailangang gamitin bago matapos ang isang taon.

Sinabi ni Pascua na naghanda rin sila ng isang eksklusibong DepEd Hotline (#DEPED or #33733) para sa mga nakatanggap ng DepEd sim card upang sagutin ang concerns ng mga guro kaugnay sa programa.

Paglilinaw naman ng DepEd, ang kanilang mga opisyal at mga kawani na may kasalukuyang communication subscriptions at allowances ay hindi eligible na makatanggap ng sim card at connectivity allowances.

Para sa signal coverage concerns, ang mga kawani ay maaaring sumangguni sa[email protected]o i-dial ang #33733 at pindutin ang 1 para sa tulong.

Mary Ann Santiago