Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at MPCALA Holdings Inc. (MHI) ang pagbubukas ng ika-apat na bahagi ng 45-kilometer Cavite-Laguna Expressway (CALAX), ang Silang East Interchange. Sa pagbubukas nito, ang kabuuang operational segment ng CALAX ay magiging 14.24 kilometro mula sa dating 10 kilometro.
Ang 45km CALAX ay isang P56-bilyon road infrastructure project na iginawad ng DPWH sa MHI, isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC). Ito ay isang high-speed road network na magkokonekta sa dalawang probinsya ng Cavite at Laguna. Tinatayang nasa 45,000 motorista ang maseserbisyuhan nito sa oras na ito ay makumpleto.
Pinangunahan ni DPWH Secretary Mark A. Villar kasama sina Senator Bong Go, Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, Cavite Governor Jonvic Remulla, at Mayor Corazon Poblete ng Silang, Cavite anginaugural ceremony para sa pagbubukas ng Silang East Interchange
Dumalo rin sa programa sina Metro Pacific Investment Corporation President Jose Ma. Lim, Metro Pacific Tollways President and CEO Rodrigo E. Franco, MHI President and CEO Robert V. Bontia, at ilang miyembro ng project team.
“We are grateful for the trust and continued partnership with the government of the Philippines in providing the much-needed mobility infrastructure in the form of CALAX to help boost tourism and economic activity in the CALABARZON Region,” ani MPT South President and General Manager Roberto V. Bontia sa kanyang mensahe.
Sa pagbubukas ng Silang East Interchange ng CALAX, makakabyahe na ang mga motorista mula Biñan, Laguna patungong Silang East, palabas ng Tibig Road sa bayan ng Silang.
Inaasahan din na makatutulong ito sa pagpapaluwag ng trapiko mula Governor’s Drive, Aguinaldo Highway, at Santa Rosa- Tagaytay Road.
"CALAX is included in the Luzon Spine Expressway Network -- a master plan aimed at increasing the high standard highwaynetwork by three-fold. We are now closer to our dream of connecting the northernmost part of Luzon to its southernmost portion. We are confident that we will be able to deliver the majority of this high-impact project within the term of President Rodrigo Duterte,"ani DPWH Secretary Mark A. Villar.
Aprubado na rin ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga sumusunod na toll rates na gagamitin sa kahabaan ng CALAX: para sa Class 1 Php 14 hanggang Php 64; Php 29 hanggang Php 128 para sa Class 2; at Php 43 to Php 192 para naman sa Class 3, depende sa entry at exit point ng sasakyan.
Sa oras na matapos ang buong CALAX, ito ay magkakaroon ng mga interchanges sa mga sumusunod na lokasyon: Kawit, Governor’s Drive, Open Canal, Silang (Aguinaldo) Highway, Silang East, Santa Rosa-Tagaytay, Laguna Boulevard, at Laguna Technopark. Sa tulong ng CALAX, ang biyahe mula Cavite at Laguna ay mapapaiksi mula sa kasalukuyang dalawang oras sa hanggang hindi lalampas sa isang oras. Ito rin ay pinuri kamakailan ng Toll Regulatory Board para sa advanced features nito.
Ang CALAX ay dinisenyo upang maging ‘green and sustainable highway’. Bukod sa iba’t ibang halaman na nakapaligid dito, na siyang nag-aabsorb ng carbon emissions ng mga sasakyan, ito rin ay gumagamit ng LED lighting system at renewable solar energy na ginagamit sa toll plaza, toll equipment and systems, at operations management center nito.
Bukod sa CALAX, hawak din ng MPTC ang concession rights para sa Manila-Cavite-Toll Expressway (CAVITEX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.
Bella Gamotea