Ipinaalala ni Presidential Spokesman Harry Roque sa publiko na hindi inaprubahan ng gobyerno ang “booster shot” ng COVID-19 vaccine dahil karamihan sa mga Pilipino ay hindi pa nakakakuha ng kanilang first dose.

Presidential spokesperson Harry Roque (OPS / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Hiniling din ni Roque sa mga fully vaccinated na huwag tanggalan ng karapatang makakuha ng bakuna ang kanilang kababayan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Tandaan din natin na wala pong booster muna ha. Marami pa po tayong mga kababayan ang kailangan mabakunahan… Maawa naman po tayo sa kanila,” ani Roque sa kanyang virtual presser nitong Martes, Agosto 24,

Dagdag pa ni Roque, dapat mabakunahan muna ang mga karapat-dapat na makakuha ng bakuna bago magsimula ang mga boosters.

Ipinangako rin niya na ang COVID-19 boosters ay kasama sa panukalang national budget sa 2022 na nagkakahalagang P45 billion.

“Ubusin muna po natin ang hanay ng ating kababayan. Bakunahan natin ang lahat bago tayo mag-isip ng booster at kasama naman po yan sa budget ng susunod na taon,” ani Roque.

Sa Miyerkules, Agosto 25, inaasahan ng gobyerno ang pagdating ng 362,700 doses ng Pfizer vaccine habang tatlong milyon naman na Sinovac ang darating pa bago matapos ang buwan.

Raymund Antonio