Cagayan— Nakapagtala pa ng limang karagdagang kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang Cagayan valley region nitong Martes, Agosto 24.

Naitala ito matapos madetect ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) ang 466 na kaso ng Delta variant sa genome sequencing ng mahigit 700 samples na kung saan nagmula sa Region II ang lima.

Nabanggit ng Cagayan Provincial Information Office sa inilabas ng DOH na Biosurveillance report nitong Agosto 23, lumalabas na ang kaso ng Delta variant ay nagmula sa dalawang probinsya ng rehiyon.

Tatlo ay mula sa Tumauini, Isabela, isa naman sa Santiago City, at ang isa sa Tuguegarao City sa Cagayan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon, hinihimok ng mga opisyal ang mga medical frontliners, senior citizens, persons with comorbidities, at essential workers na magpabakuna na upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.

Liezle Basa Inigo