Tatlong binatilyo ang nadurog nang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) habang sila ay naglalakad pauwn sa Sta. Mesa, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Alfred Visagar, 17, taga-Bagumbayan, Bacood; Jayvee John Luna, 16, taga-V.Fancisco; at Rico Devilla, 17, taga- Peralta St., pawang sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa report ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), ang insidente ay naganap sa riles ng PNR sa Anonas St., dakong 6:25 ng gabi.

Pauwi na sana ang mga biktima nang maisipang dumaan sa riles. Gayunman,hindi umano narinig ng mga ito ang busina ng dumarating naPNR train na may body number na 1831 at inu-operate nina Ronald Antonio at Eric Nase.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Dahil dito, nasagasaan ang mga biktima na hindi alam kung saan tatakbo nang mabulaga sila ng tren.

Nadurogang katawan ng mga biktima at naputulan pa ng ulo ang isa sa mga ito, ayon sa pulisya.

Nahaharap na sa kaukulang kaso sina Antonio at Nase na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Mary Ann Santiago