Isang milyong manggagawa ang muling nagbalik sa kani-kanilang trabaho sa pagbaba ng quarantine restriction, ayon sa isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI).

“Meron tayong tantsa na around one million workers ang nakabalik,” ani ni DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte sa isang online forum nitong Martes, Agosto 24.

“So ibig sabihin niyan, medyo lumiit na yung numero ng workers na nananatiling hindi nakakapagtrabaho, dahil alam naman po natin na marami pa ring establishments ang hindi pa napapayagan under MECQ,’ dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunpaman, aalamin ng DTI ang eksaktong bilang ng mga manggagawang balik-trabaho na lalo pa’t nananatili pa ring nakasara pansamantala ang ilan pang mga negosyo.

“Hindi namin nakikita na it’s a permanent closure. Nakikita natin, maybe tumigil po sila either because one, hindi po sila allowed mag open dahil alam naman natin pag sinabing ECQ ay maraming establishments ang hindi talaga napapayagan magbukas, even MECQ,” paglalahad ni Vizmonte.

Matatandaang, isinailalim sa ECQ ang Metro Manila, Laguna at Bataan sa muling paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Habang ibinaba naman ang quarantine restriction ng mga ito sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Agosto 21-31.

Nitong Agosto 20, hindi pa rin pinayagan ng DOH ang pagbubukas ng dining at personal care services dahil itinuturing na “high risk” activities ang mga ito.

Analou de Vera