Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) nitong Lunes ng record-high na 18,332 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng isang araw.

Sa case bulletin No. 527, iniulat ng DOH na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 1,857,646 ang total COVID-19 cases sa bansa, kabilang na ang 130,000 aktibong kaso na puwede pa umanong makahawa.

Inihayag ng DOH na aabot din sa 13,794 pa ang gumaling sa karamdaman kaya lumobo na sa 1,695,335 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa Pilipinas o 91.3% ng total cases.

Mayroon ding 151 pang pasyente ang binawian ng buhay dahil sa karamdaman.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa kabuuan, umaabot na ngayon sa 31,961 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.72% ng total cases.

Nasa 68 naman ang unang tinukoy na gumaling na mula sa karamdaman, gayunman, natuklasang binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon.

Mary Ann Santiago