Ubos na ang budget ng pamahalaan na paghuhugutan sana ng ayuda kapag magpapatupad pa ulit ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.

Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung kinakailangang umutang ay maaaring isa ito sa magiging hakbang ng pamahalaan para sa ika-apat na pagpapatupad ng ECQ.

Kagaya lamang aniya ito ng ginawa sa nakaraang ikatlong ECQ kung saan aywala rin sa regular budget ang pinagkunan ng pondo para sa ayuda at ginawan lamang ng paraan.

Aniya, humugot na lamagsila ng budget mula sa unused funds mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan.

National

Amihan, shear line, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

Matatandaang ipinatupad ng gobyerno ang dalawang linggong ECQ sa Metro Manila sa iba pang bahagi ng bansa, mula Agosto 6-20 bunsod na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Beth Camia