Isinumite na ng Malacañang sa Kongreso ang panukalang national budget na P5.04 trilyon para sa fiscal year (FY) 2022, ito ang pinakamalaking badyet na hiningi ng Pangulo sa kasaysayan.

Sa isang press briefing nitong Lunes, Agosto 23, ibinahagi niPresidential Spokesman Harry Roquena isinumite na ang Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang FY 2022 National Expenditure Program (NEP) ngayong umaga.

“Ito po ngayon ang pinakamataas na budget na isinumite ng Ehekutibo sa Kongreso,” ani ni Roque.

Kabilang sa mga prayoridad na binanggit ng DBM sa susunod na taon ang pagpapanatili sa programa ng bansa laban sa pandemya, sustenidong paglago ng ekonomiya at pagpapatuloy sa infrastructure development ng administrasyon.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Sa ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, hiniling ng Pangulong na maipasa ang isang batas na layong magtatag ng Virology Institute of the Philippines at Center for Disease Control and Preventionlaban sa banta ng COVID-19 sa bansa.

Kumpiyansa ang Pangulo sa kakayahan ng mga Pilipinong eksperto sa paggawa ng sariling suplay ng bakuna sa bansa.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Roque na kakailangin ng bansa ang P240, 747, 386,000 para pinansahan ang mga hakbang ng gobyerno laban sa pandemya.

Argyll Cyrus Geducos