Binatikos ng ilang mambabatas nitong Lunes, Agosto 23, ang muling pagpapatupad ng mandatory motor vehicle inspection system (MVIS) sa kabila ng mga reklamo ng stakeholders at maging ng utos ni Pangulong Duterte na suspendihin ito.

Ani ni Sen. Grace Poe na umalma sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr) sa pagbaba umano ng inspection fee, ang pagpapatuloy ng private motor vehicles inspection centers (PMVICs) ay hindi makatarungan.

Pagbabanggit ni Poe basesa sulat na ipinadalani Camarines Sur GovernorMigsVillafuerte sa DOTr, mas mura pa rin ang emission tests kumpara sa PMVIC.

Ilang mga ulat din ang lumitaw kung saan pinupuwersa umanong bumili ng insurance policies mula sa PMVIC operators ang mga operators para makakuha ng pasadong marka sa vehicle examination.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Batay sa nilabas na bagong memo ng DOTr, tanging may authorized PMVICs lang ang tatanggapin ng Land Transportation Office (LTO) sa registration sa loob ng“geographical area of responsibility” o GAOR.

Ang pagpapatupad umano sa direktiba ay maaaring banta rin sa kumakalat na mas nakahahawang COVID-19 variants. Kasunod na naglabas ng video clip si Poe kung saan makikitang mahaba at magulo ang pila sa mga PMVICs sa Pangasinan na may apat na inspection centers lang.

Ilang Senate leaders kabilang si Sen. Tito Sotto, Sen Ralph Recto at Sen. Franklin Drilon ang nagpahayag ng pagtutol sa muling pagpapatupad sa direktibang nauna nang ipinatigil ni Pangulong Duterte.

Vanne Ellaine Terrazola