Natanggap na ni Mansueto "Onyok" Velasco ang napakong https://balita.net.ph/2021/08/11/olympic-silver-medalist-onyok-velasco-nakatakdang-makuha-ang-natitirang-p500000-cash-incentives/">P500,000 cash incentives nito matapos masungkit ang silver medal sa larangan ng boxing https://balita.net.ph/2021/07/29/ang-olympic-heartbreak-ni-onyok-velasco/">noong 1996 Atlanta Olympics.
Pinangunahan ni President Rodrigo Duterte ang paggagawad ng incentives sa mga Pilipinong atletang nag-uwi ng karangalan sa bansa noong 2020 Tokyo Olympics.
Kasabay ng pagtanggap ni Onyok ng kanyang cash incentives ay pinarangalan din siya ng Orden ni Lapulapu nitong Lunes, Agosto 23, sa Rizal Hall ng Malacañang Palace.
Ang Orden ni Lapulapu ay itinatag noong Abril 7, 2017, bilang isang parangal na ipinagkakaloob sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan at mga pribadong indibidwal bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyong may kaugnayan sa mga kampanya at adbokasiya ng Pangulo.
Samantala, ang medalya ng Kamagi ay ipinagkakaloob sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan at mga pribadong indibidwal na aktibong nakilahok at may katangi-tanging ambag sa isang aktibidad na kaugnay ng kampanya o adbokasya ng Pangulo.
Kasabay na pinarangalan ni Onyok sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, at Eumir Marcial, alinsunod sa Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.Matatandaan na kamakailan lamang nakatanggap din si Onyok ng P100,000 cash at prangkisa ng isang https://balita.net.ph/2021/08/15/olympic-silver-medalist-onyok-velasco-nakatanggap-ng-p100k-cash-at-prankisa-ng-chooks-to-go/">Chooks-to-go store mula kay Bounty Agroventures Inc. (BAVI) President Ronald Mascariñas.