Nakikitaan na umano ng Department of Health (DOH) ng mga senyales na nagkakaroon na nga ng community transmission ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 ang Metro Manila at Calabarzon.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ayon sa World Health Organization (WHO), ang community transmission ay nangangahulugan na mayroong clustering of cases at wala nang links o ugnayan sa pagitan ng mga infected individuals.

“Currently, we have seen and observed, especially in NCR and Region 4A, na talagang mukhang community transmission na ito. Nakita natin na wala nang link ang mga kaso sa bawat isa. We are seeing clustering of cases in these two big regions,” paliwanag ni Vergeire, bagamat idinagdag na kailangan pa nila ng higit pang ebidensiya hinggil dito.

“Definitely I can tell all of you, Region 4A and NCR, nandiyan na po, we can observe that already although we need further evidence but there is community transmission already in these areas,” pahayag pa ng opisyal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa kasalukuyan, mayroon ng 807 Delta variant cases ang nakumpirma sa bansa.

Nasa ilalim pa rin naman ng modified enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at Laguna hanggang sa Agosto 31 upang mapigilan ang higit pang pagkalat ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.

Nauna rito, sinabi ni Philippine Genome Center (PGC) chief Dr. Cynthia Saloma na kung ang pagbabasehan ay ang mga nakolekta nilang samples para sa genome sequencing noong Hunyo ay makikitang mayroon nang community transmission ng Delta variant, na sinang-ayunan rin naman ni Vergeire.

“The assumption is there. Lahat ng action natin ay geared towards that level of community transmission already but as to confirming it, kailangan kasi namin ng ebidensyabecause this is a classification. Actually, this is a technical thing,” ani Vergeire.

Mary Ann Santiago