Paglalahad ng Department of Health (DOH), mayroong pagtaas ng coronavirus disease COVID-19 infections sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na paglobo ng kaso bawat araw.

Ayon kayDr. Alethea De Guzman, Director of the DOH Epidemiology Bureau, malaki ang itinaas ng COVID-19 cases ang naobserbahan sa Luzon habang mas mabagal naman ang nakitang increase sa Visayas at Mindanao.

Sa kasalukuyan, 110 o 91 porsyento ng mga probinsya at mga lungsod sa bansa ay nakataas sa Alert 3 at Alert 4 dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 dahilan ng pagtaas ng hospital utilization rate.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Paglalahad ni De Guzman, naobserbahan umano na mas mataas ang mobility ngayon kumpara noong itinaas ang ECQ nakaraang December 2020. Dagdag niya, maaaring dahil mas maraming essential services na ang binuksan ng gobyerno, kagaya ng vaccination services.

Ipinunto ni De Guzman na ang wide-scale community quarantines ay paraan para palakasin ang health system at kapasidad nito.

Nilinaw din ng opisyal ang naunang mga datos ukol sa mga kaso ng batang may COVID-19, ani ni De Guzman, hindi umano totoo na malaking bahagi ng mga bagong kaso ay mga bata.

"While there were both increases in cases and deaths, this is something that we actually observed across all age groups. There’s a trend reversal –children getting more sick versus adults and the elderly— we do not actually see that in our data,”sabi ni De Guzman.

Binanggit din si De Guzman na mula anim na porsyento nitong Hunyo, pumalo na sa 42 porsyento ang pagtaas sa mga nakumpirmang kaso ng Delta variant.

Nitong Linggo, nakapagtala ang bansa ng 16,004 bagong kaso ng COVID-19 habang 13,952 ang nakarebor at 215 ang namatay.

Jaleen Ramos