CAGAYAN— Positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang pambato ng Cagayan Province sa Miss Universe Philippines na si Gianne Kryssee Tecson Asuncion. 

Sa Facebook post ni Asuncion, sinabi niyang nagpositibo siya sa COVID-19 with pneumonia.

Ipinagdarasal naman siya ng mga Cagayanos para sa kanyang agarang paggaling at tiniyak na patuloy silang susuporta.

Naging tahimik nitong mga nakaraang araw si Asuncion dahil hindi niya umano alam kung ano ang susunod na mangyayari.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"I went silent for days. With the discovery of being COVID positive with pneumonia, I didn't know how to react. I didn't know what's the next that could happen,” ani Miss Cagayan Province.

Sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap, nais ni Asuncion na makarekober na siya mula sa virus upang maipagpatuloy niya ang laban sa Miss Universe Philippines 2021.

"But you see, this fear of the unknown can't stop me. It might be hard, but all I know is I will heal. I will get better. The fight will continue,” ani Asuncion.

Inaasahan ni Gianne Kryssee Asuncion, 22, tubong Lingu, Solana, Cagayan na mapanalunan ang korona sa Miss Universe Philippines 2021.

Liezle Basa Iñigo