Humingi ng paumanhin sa kaniyang mga tagahanga, tagasuporta, at sambayanang Pilipino si Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos bigong magapi ang kaniyang kalabang si Yordenis Ugas, isang Cuban professional boxer, sa naganap na laban nila nitong Agosto 22 (PH time) sa Las Vegas, Nevada, USA.

"I'm sorry that we lost tonight. My legs are so tight that's why it is so hard to move. I'm so thankful to the fans for coming here and witness the fight live. But I did my best I apologize," mensahe ni Manny mula sa panayam sa kaniya ng media.

Pacquiao demoted as 'Champion in Recess' – Tempo – The Nation's Fastest  Growing Newspaper
Larawan mula sa Tempo

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Marami naman sa mga tagahanga ni Manny ang nagpaabot ng kanilang mensahe sa People's Champ. Wala na umano siyang dapat pang patunayan sa sambayanan dahil isa na siyang living legend pagdating sa larangan ng boxing.

"Never mind, Manny… You're still the best boxer of all time being the only 8-division champion of the world for many, many years. A record that I think no other boxer could ever duplicate what you have done for yourself and country… We are still very proud and honored because you are a Filipino citizen. Just be yourself!" sabi ng isa.

"At age 42, dancing along with a young and tall fighter, wala ka dapat ipagpaumanhin. You did much and you deserve all the praise!" wika ng isa.

"We're not happy for this loss Manny but if it's what it takes to get your feet back on the ground, I am glad," pahayag naman ng isa.

Masasabing makulay nga ang naging boxing career ni Manny na nakapagdala ng karangalan sa Pilipinas. Ilan sa mga boxing world champions na napatumba at napatiklop niya ay sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Jorge Eliécer Julio, Marco Antonio Barrera (dalawang beses), Erik Morales (dalawang beses), Óscar Larios, Jorge Solís, Juan Manuel Márquez (dalawang beses), David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito, Shane Mosley, Brandon Ríos, Timothy Bradley (dalawang beses), Chris Algieri, Jessie Vargas, Lucas Matthysse, Adrien Broner at Keith Thurman.

Ang tanong ng marami, matapos ang latest na pagkatalong ito, pakikinggan na ba ni Manny ang panawagang magretiro na siya, lalo na ang kaniyang inang si Mommy D?