Usap-usapan ngayon sa social media ang patutsadang Facebook post ng OPM icon na si Mike Hanopol laban kay Manny Pacquiao dahil sa hindi umano pagbabayad ni PacMan para sa mga Christian songs na ipinagawa nito sa kaniya.

"Sabi PacMan, gusto niya makatulong, di-importante ang pera sa kanya eh bakit ayaw mo ako bayaran, nagpagawa ka ng hebrew songs sa akin, I spend money on studio and musician 'di mo naman ako binayaran, saan ang tulong na sinasabi mo, 'di ka na naawa, matanda na ako niloko mo pa ako," maanghang na pahayag ni Hanopol sa boksingero, na bukod sa senador din ay isa ring Christian pastor.

Screenshot mula sa FB/Mike Hanopol

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Si Mike Hanopol ay isang kilalang singer, guitarist, recording artist, at Messianic Rabbi. Siya ay dating bass guitarist ng Juan de la Cruz Band. Itinuturing siyang isa sa mga pioneers ng rock music sa Pilipinas noong 1970s, kasama sina Pepe Smith at Wally Gonzales.

Ilan sa mga sumikat na OPM songs niya ay ang "Katawan," "No Touch," "Laki sa Layaw Jeproks," "Titsers Ememi No. 1," at marami pang iba.

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Pacquiao hinggil sa isyung ipinupukol sa kaniya ni Hanopol, lalo't nasa USA pa siya dahil katatapos lamang ng kaniyang laban kay Ugas.