Masaya ang naging reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pamamahagi ng ayuda sa mga tao sa nakalipas na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, asahan na bahagyang magkaroon ng antala sa pamamahagi ng ayuda dahil na rin sa kumpul-kumpol na nakapilang indibidwal.

"Hindi rin naman kasi maiwasan dahil mas gusto talaga ng mga nakikinabang sa ayuda na magtiis pumila kaysa gumamit ng electronic transfer," pahayag ni Roque.

Ayon kay Roque, katwiran ng mga tao, may bawas kapag dumaan sa electronic transfer at sayang umano kung ang P4,000 na matatanggap ay mababawasan pa gamit ang naturang transaksyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Beth Camia