Ipinatawag na ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao kaugnay sa umano'y maanomalyang pagbili ng 'overpriced' na face mask at face shields.
Idinahilan ni Committee chairman Senador Richard Gordon,aprubado na ni Senate President Vicente Sotto III, ang Subpoena Ad Testificandum, atinaatasansi Lao na dumalo sa gagawing pagsisiyasat ng Senado sa Miyerkules, Agosto 25.
“He will be asked to explain the circumstances of such procurement. It is important that he appears because there are so many questions that need answers especially, he was previously investigated over procurement of overpriced medical supplies and equipment, " ani Gordon.
Tiniyak na ni Lao na dadalo siya sa pagdinig at inaasahang mabibigyang-linaw ang sinasabing multi-milyong anomalya sa nasabing transaksyon.
Matatandaang nagbitiw Lao sa tungkulin nitong nakaraang Hunyobilangpinuno ng Procurement Service ng DBM matapos mabunyag ang usapin.
Leonel Abasola