Unanimous ang boto ng Kongreso para sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na layong ma-exempt sa income tax ang honoraria, allowances at iba pang benepisyong matatanggap ng election workers.

Nakatanggap ng 202 boto mula sa lahat ng miyembro ng Kongreso ang House Bill 9652 na inihain sa pag-aakda ng Makabayan bloc at ni Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma sa pagpapatuloy ng regular session nitong Lunes, Agosto 23.

Ang mga pampublikong guro na kadalasang naitatalagang miyembro ng board of election inspectors ang makakatamasa sa panibagong panukala.

Ayon sa Comelec, P56.8 million ang nakaltas sa porma ng income taxes mula sa mga election workers noong 2019 midterm elections.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagsasabatas ngRepublic Act 10756 or the Election Service Reform Actna nagresulta sapagtaas ng honoraria, at allowances ng poll workers, binawi naman ito sa ipinataw na income tax sa benipisyo, ayon sa Makabayan.

“It should be noted that volunteers for election service exhaust their honoraria and allowances for travel, food, and other expenses before, during and even after election day because they are required to attend trainings, deliver the election paraphernalia to and from the Comelec offices and precincts, and perform other election related tasks,”sabi ng Makabayan.

Hinimok ng Makabayan na agad maipasa ang panukalang batas.

Ang Makabayan bloc ay binubuo nina Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite and Eufemia Cullamat of Bayan Muna; France Castro of ACT Teachers Partylist; Arlene Brosas of Gabriela Women’s Partylist at Kabataan partylist Rep. Sarah Jane Elago.

Ben Rosario