Pagtitiyak niPresidential Spokesperson Harry Roque, hindi masisira ang mga coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa nakatakdang 20 araw na maintenance shutdown ng Malampaya deep-water gas facility sa Oktubre.

Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo nitong Lunes, Agosto 23, ang shutdown ay hindi magaganap sa peak season ng demand ng kuryente sa bansa.

Nakatakda ang maintenance ng Malampaya mula Oktubre 2 hanggang 22, ibig sabihin, sa loob ng 20 araw, hindi magsusuplay ng kuryente ang Malampaya sa limang planta sa Luzon.

“Hindi na po talaga masyadong peak ang demand for electricity dahil ang peak talaga ay tag-init, gumagamit talaga tayo ng air-conditioning at bentillador,” ani ni Roque.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang umabot sa yellow at red alert ang Luzon nitong tag-init sa pagtaas ng demand ng suplay.

Sensitiboang mga bakuna at kailangan nitong nakaimbak sa mababang temperatura, kung hindi, ay maaari itong masira.

Pinunto ni Roque ang pagtitiyak na binigay ni Department of Energy Spokesperson Felix William Fuentabella na handa ang bansa sa 20-day closure ng Malampaya.

Ellson Quismorio