LAGUNA - Dahil sa pakikisalamuha sa iba't ibang tao araw-araw, tinamaan na rin ng coronavirus si Laguna Governor Ramil Fernandez.
Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Agosto 22, inamin ng gobernador na naka-home quarantine na siya dahil nakararanas na rin ito ng mild symptoms.
"Bahagi na ng ating trabaho bilang public servant ang pakikisalamuha sa maraming iba’t ibang tao sa araw-araw. Kaya nga po siguro kahit lubos ang aking pag-iingat ay hindi na rin naiwasan na ako ay mag-positibo sa COVID-19," paglilinaw nito.
Gayunman, ipinangako nito na tuloy pa rin ang kanyang trabaho kahit naka-quarantine na i
"At magsilbing paalala na rin na mag-ingat, laging sumunod sa mga health protocols, at magpabakuna," pahayag pa ng gobernador,