Ibibigay na ng gobyerno ang Special Risk Allowance (SRA) o benepisyo ng mga nurse sa bansa, ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque, nitong Lunes, Agosto 23.

Gayunman, nakiki-usap ang Malacañang sa mga nurse na huwag ituloy ang bantang malawakang pagbibitiw sa kanilang trabaho sa gitna ng pandemya na kinakaharap ng bansa.

Ipinaliwanag ni Roque, pinoproseso na ang hinihintay na allowance ng mga ito at inaasahang bago pumasok ang Setyembre ay matatanggap na ito ng mga nurse.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ito ang reaksyon ni Roque sa pahayag ng Filipino Nurses United na magbibitiw ang malaking bilang ng kanilang miyembro kapag hindi naibigay ang kanilang SRA bago mag-Setyembre 1.

“Nag-order naman po ang Presidente na within 10 days dapat from last Friday eh kinakailangan maibigay na itong mga special risk allowance (SRA).Dadami ang hanay na walang trabaho sa panahon ng pandemya. Mas lalala po ang problema natin kung mas maraming walang trabaho," aniya pa.

Argyll Geducos