Nananatili pa ring sarado ang mga tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) sa Metro Manila hanggang sa Agosto 31 kahit ibinaba na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang rehiyon.

Bukod sa pinahigpit na quarantine restrictions ulot ng lockdown, idinahilan din ng LTFRB ang pansamantala nilang pagtigil ng operasyon ang pagkahawa sa virus ng 20 sa kanilang empleyado.

Inanunsyo ng ahensya na wala silang on-site transactions sa kanilang Central office, gayundin sa mga opisina ng mga ito sa National Capital Region (NCR) sa Quezon City.

Gayunman, patuloy pa rin silang tumatanggap ng transaksyon sa online.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Alexandria Dennise San Juan