Nanatili ang titulong WBA (Super) welterweight champion kay Yordenis Ugás mula sa Cuba matapos nito matalo ang eight-division champion na si Manny Pacquiao ngayong Linggo, Agosto 22.

Larawan: AFP

Nagmula si Ugás sa Santiago de Cuba, sa bansang Cuba. Malayo na ang kanyang narating sa edad na 35. Mayroon nang 31 total na laban si Ugás. 27 dito ay naiuwi niya ang kampeonato (12 by knockout), at apat lamang ang talo.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nagsimulang pasukin ni Ugás ang professional boxing taong 2003, na kung saan ay naiuwi niya ang gintong medalya sa World Cadet Championships.

Taong 2005, sumabak naman si Ugás sa World Championships. Nasungkit niya ang gintong medalya sa kategoryang Lightweight na ginanap sa Mianyang, China.

Nag-debut sa World Olympics si Ugás taong 2008 sa Beijing, China. Bigo mang masungkit ang gintong medalya sa Lightweight division, hindi naman siya umuwing luhaan dahil tinapos niya ang kanyang karera bilang isang bronze medalist.

Larawan: Yordenis Ugas

Noong March 2010, lumipad patungong U.S. si Ugás upang ipagpatuloy ang pangarap nito sa ring. Samantala, taong 2012 naman nang lumipat siya sa North Bergen, New Jersey.

Bago ang naging tapatan nila ni Pacquiao, ipinahayag nito na kasama niya sa kanyang laban ang pag-asa ng mga kapwa niyang Cuban na umaasang matatamo ang kalayaan.

Aniya, “This means the world to me. I’m fighting not for the money, but for my legacy, for my country, for my own story that’s going to be told. This is the most important fight of my life.”

Ngayon, naiuwi ni Ugás ang super WBA welterweight belt laban kay Pacquiao sa scores na 116-112; 115-113; unanimous decision.

Larawan: AFP

Samantala, si Pacquiao ay mayroon nang 62 wins (39 by knockout) eight losses, at two draws.