Balik operasyon na ang lotto at iba pang number games sa Metro Manila at Laguna simula noong Agosto 21 at Agosto 23 naman sa Bataan, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito'y matapos ibaba sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang quarantine classification ng Metro Manila, Laguna at Bataan.

“Pursuant to the latest IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases) pronouncement placing Metro Manila and Laguna from Aug. 21 to 31, 2021 and Bataan from Aug. 23 to 31, 2021 under modified enhanced community quarantine, all PCSO gaming operations in these areas shall be fully operational,” anunsyo ng PCSO.

Samantala, nasungkit ng isang mananaya mula Dipolog City, Zamboanga del Norte ang P24.3 milyong jackpot ng Megalotto 6/45 nitong Biyernes, Agosto 20 matapos matumbok ang winning combination na 34-03-09-10-08-32.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Beth Camia