Sa kabila ng hindi pagkakasundo sa politika, ipinagdiwang pa rin ng Malacañang ang pagdadala ng karangalan sa bansa ni Senator Manny Pacquiao kahit nabigo ito sa naatunggalingsi Cuban boxer Yordenis Ugas nitong Linggo (Sabado sa Amerika).

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag matapos matalo ni Cuban boxer Yordenis Ugas si Pacquiao via unanimous decision.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang makaaalis ng karangalan na dinala ng legendary boxer at kung gaano ka-proud ang mga Pilipino sa kanya.

“The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the honors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ani Roque.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Senator Pacquiao will forever be etched in the hearts of Filipinos as our People’s Champ. Mabuhay ka, Manny!” aniya.

Nagbigay ng score na 115-113, 116-112, 116-112 ang mga hurado sa T-Mobile Arena na pumabor sa Olympic bronze medalist na taga-Cuba.

Humingi naman ng paumanhin si Pacquiao sa kanyang pagkatalo.

“I’m sorry I lost tonight. But you know, I did my best. I apologize,” aniya matapos ang laban.

Matatandaan na ipinalit lang si Ugas kay Errol Spence Jr., ang makakalaban sana ni Pacquiao, dahil sa eye injury.

Kamakailan, nagkaroon din ng alitan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pacquiao dahil sa mga paratang na may katiwalian umano sa aadministrasyon.

Naunang naiulat na plano ni Pacquiao na kumandidato sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.

Argyll Cyrus Geducos