Nagkaroon umano nang pagbagal sa surge ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) matapos ang ipinatupad na dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Batay sa pinakahuling monitoring report ng OCTA na inilabas nitong Linggo, sinabi nito na ang Metro Manila ay nakapagtala ng average na 3,819 COVID-19 cases kada araw mula Agosto 15 hanggang 21.

Ito ay 24% na mas mataas kumpara sa 3,088 cases per day na naitala mula Agosto 8 hanggang 14.Ayon sa OCTA, nagkaroon ng pagbaba ang rate nang pagdami ng mga bagong kaso ng sakit.

Sa monitoring ng OCTA, nabatid na growth rate ng rehiyon ay nasa 72% noong nakalipas na dalawang linggo at 48% naman noong nakalipas na dalawang linggo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The lockdown in the form of enhanced community quarantine helped reduce the growth rate of new COVID-19 cases,” ayon pa sa OCTA.

Dagdag pa nito, “While new cases are still increasing, the decreasing growth rate is consistent with a decreasing reproduction number. In other words, the surge has slowed down in the NCR.”

Nabatid rin na ang kasalukuyang reproduction number sa Metro Manila ay nasa 1.67 kumpara noong nakaraang linggo na ito ay nasa 1.90.

Ipinunto pa ng OCTA na ang Metro Manila ay mayroong kahalintulad na antas ng impeksyon o reproduction number noong Abril 1, 2021, ngunit ang kasalukuyang rate nang pagbaba ng reproduction number ay mas mabagal kumpara sa rate nang pagbaba noong panahong iyon.

“Back then, it took two to three more weeks before new COVID-19 cases started to decrease in the NCR,” ayon pa sa grupo.

Ang posible naman anilang paliwanag dito ay ang presensiya ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 na nasa bansa na ngayon o 'di kaya ay ang mas mataas na mobility ng mga tao nitong katatapos na ECQ.

Binigyang-diin rin ng OCTA na epektibo naman ang ipinairal na dalawang linggong ECQ ng pamahalaan ngunit kailangan anilang mapanatili ito sa loob ng susunod na apat na linggo upang makakita ng downward trend ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo.

“In any case, the downward trend in new cases may happen in the next few weeks but this will require sustained efforts in pandemic management over the next four weeks by the local and national governments and the public,” ayon pa sa OCTA.

Kasalukuyan nang umiiral ang mas maluwag na modified ECQ (MECQ) sa Metro Manila at magtatagal ang implementasyon nito hanggang sa Agosto 31.

Mary Ann Santiago