Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapalabas ng mahigit P83.7 milyong pondo para sa monthly allowance ng mga senior citizen sa ikalimang distrito ng Maynila.

Binigyan na ng direktiba ni Moreno ang Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Marjun Isidro, na ayusin na ang pamamahagi ng tig-P3,000 ayuda mula sa city government para sa may kabuuang 30,358 senior citizen sa distrito.

Ang ayudang ito ay bahagi ng social amelioration package na ibinibigay ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga residenteng may kapansanan, estudyante, solo parents, at senior citizens.

Sinabi ni Moreno na sakop ng halagang P3,000 ang mga buwan mula Enero hanggang Hunyo 2021 kung saan tatanggap ng P500 kada buwan ang mga seniors.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nabatid na naipamahagi na ng lungsod ang parehong ayuda sa mga seniors na mula District 1 hanggang District 4.

Mary Ann Santiago