Naglabas ng Y10 bilyon o nasa P4.6 bilyon halagang pautang ang bansang Japan sa pamahalaan ng Pilipinas, huling bahagi ito ng Post Disaster Standby Loan Phase 2 (PDSL 2) para dagdagan ang pondo ng bansa sa pagharap sa krisis na dulot ng pandemya.

Kasunod ng muling pagsasailalim ng enhanced community quarantince (ECQ) sa Metro Manila nitong Agosto, lumitaw ang pangangailangang matugunan ang mga bulnerableng sektor at mapagtibay ang kapasidad ng sistema ng mga pasilidad pangkalusugan.

Nitong Setyembre 15, 2020, pinirmahan ngJapan International Cooperation Agency (JICA) at Department of Finance (DOF) ang kasunduang PDSL 2 para sa contingency fund na maaaring mapagkunan ng Pilipinas hanggang Y50 bilyon.

Una nang inilabas ang first tranche ng PDSL 2 nitong Oktubre 2020, kasunod ng pagdeklara ng state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nasa tatlong PDSL 2 disbursements ang nagawa ngayong taon, kabilang na ang Y10 bilyon nitong Enero 2021 para pagbangon ng mga nasalanta ng Typhoon Quinta, Rolly, Ullysses; Y20 bilyon nitong Enero 2021, para dagdagan ang pondo ng bansa para sa COVID-19 at Y10 bilyon na nilabas ngayong buwan.

Umaasa ang pamahaan ng Japan na muling makabangon ang Pilipinas sa krisis na dala ng pandemya.

Roy Mabasa